Ma'am WAG po!!
  Mga Sanaysay
 

********************************************************************

 

Titser, Titser, Paano Ka Ginawa?

 

Paano nga ba ginawa ang titser? Saan sila nagmula? Sa ibang planeta, sa ilalim ng lupa? Saan?

 

Ayon sa paniniwala ko simula pa noong nasa ikatlong baitang ako sa elementarya--- na hindi ko pa rin makalimutan magpahanggang ngayon, ang pagiging titser o ang pagtuturo ay isang “part-time job” ng mga walang magawa sa buhay! Kasi, iyong titser namin noong grade III ay walang ibang pinagagawa sa amin kundi ang magdrowing. Kainsulto! Hindi na kami grade I!

 

Nang ako’y nasa ikalimang taon na, nakita ko na kung ano nga ba, sino nga ba, at kung saan nga ba nanggaling yaong mga titser.

 

 Ang titser ay isang bayani na nagliligtas sa mga kabataan sa kamangmangan. Ang kanilang pagtuturo ay nanggaling sa buong pusong kagustuhang makatulong sa mga batang tulad ko na nangangailangan ng kaalaman. Sila rin ang tinaguriang pangalawang magulang ng mga estudyante. Dahil dito, masasabi nating tao rin sila na nagmula sa sinapupunan ng kanilang ina. Samakatuwid, ginawa ang mga titser sa pamamagitan din ng pagsasanib ng similya ng lalaki at itlog ng babae!

 

 

********************************************************************

 

Party

 

Nalalapit na naman ang kapaskuhan! Sa tuwing sumasapit ang buwan ng Disyembre ay unti-unting nananariwa sa akin ang mga alaala ng aming Christmas Party noong ako’y nasa ika-anim na baitang pa lamang.

 

Ilang minuto pa lamang ang lumilipas nang sumikat ang araw ay dagsa na ang mga estudyante sa aming paaralan. Suot ang mga bagong damit at bitbit ang mga panregalo, masaya silang nagtutungo sa kani-kanilang silid. Doon ay makikitang nakaayos ang mga silya nang pabilog. Sa isang banda ng silid ay naroon ang isang malaking mesa na puno ng pagkain at sa kabila naman, malapit sa pinto ay maga papremyo at pangregalo.

 

Mahigit ika-pito na ng dumating ang iba ko pang mga kaeskwela at ilang sandali pa ay dumating na rin ang pinakahihintay ng lahat…. Si Mr. Espiritu, ang aming tagapayo. Nang buksan na ni Sir ang aming silid, nagmamadali ang lahat na nagsipasok. Sinundan na iyon ng panimulang palatuntunan at mga palaro. Ang nakakainis, nalimutan ko ang panyo ko sa bahay sa pagmamadali. Nagulat tuloy ako nang abutan ako ni Sir ng bimpo. Ngumiti siya sa akin at ganoon din ang ginawa ko matapos ko siyang pasalamatan.

 

Marahil ay magugulat ka nkapag nalaman mong may lihim akong paghanga kay Sir kaya uunahan na kita. Bainte-siete anyos pa lamang si Sir Espiritu; may kalakihan ang katawan pero hindi naman katangkaran. Mayroon din siyang malaking boses maitim na buhok at, higit sa lahat, ang kanyang mga asul na mata. Hay…. Tama na nga yan!

            Nang magutom na ang lahat kalalaro, inumpisahan nang pagsalusaluhan ang mga nakahandang pagkain. May menudo, inihaw na tilapia, adobo at mainit na kanin. Nagpaluto rin kami ng spaghetti’t tinapay para sa miryenda.

            Matapos ang ilan pang sayawan, habulan kainan at tawanan ay humantong na sa pagtatapos ang aming pagtitipon. Ang ilan sa amin ay nagsiuwi na. Nagpaiwan kaming magkakabarkada para kahit papaano ay magligpitng kalat. Walis dito, tulak doon. Punas dito, tapon doon.

 

Hindi ko na namalayang nagpaalam na pala ang aking mga kabarkada dahil sa sobrang kapaguran. Habang nakaupo sa isang silya, hinahanap ko kung nasaan si Sir. Naisip ko na baka nasa kabilang kwarto siya kung saan nandoon ang kanilang departamento. Ilang sandali pa at napag-isip-isip ko na umuwi na. Tumayo ako at nagtungo sa kabilang kwarto.

 

Bumukas ang pinto nang ako ay kumatok at doo’y dumungaw ang mukha ni Sir. Pabuka na aking mga labi para sabihing uuwi na ako nang bigla niya akong hinila papasok ng silid. Agad niyang tinakpan ng kanyang kanang kamay ang aking bibig at maagap na ikinandado ang pinto. Pagkatapos ay may kung anong dinukot mula sa kanyang bulsa si Sir at tinutok niya ito sa aking leeg. Hindi ko man matukoy kung ano ang bagay na iyon ay nakatitiyak ako sa maaari nitong bawiin ang aking buhay. Habang nakatutok sa akin ang bagay na iyon ay may ibinulong si Sir Espiritu: “Wag kang sisigaw kundi ay alam mo na ang mangyayari!” Nangilabot ako at hindi pa nakagalaw pa nang marinig ko ang mga bagay na iyon.

 

Maya-maya pa ay nararamdaman ko na na hinahalikan na ako ni Sir- sa batok, sa leeg at pagkatapos ay sa mukha. Gusto kong magsisigaw at pumiglas ngunit wala akong lakas. Takot na takot ako! Takot na takot….. Lumipas pa ang ilang minuto, walang anu-ano’y inalisan na niya ako ng saplot at kung anu-ano na ang kanyang ginagawa sa akin. Wala akong magawa kundi ang umiyak.

 

Ngayon, heto ako, nakadungo sa bintana at pianpanuod ang aking anak na naglalaro ng teks. Siya ang naging bunga ng kababuyang ginawa sa akin ng iniidolo kong guro. At ang kanyang ama? Hayun, panglimang beses nang magpapasko sa bilibid.

 

  

*********************************************************************************

 

Teacher o dreadcher?

 

2007, taon ngayon. Ngayong 1st year college na ko, madami na kong nakilalang mga titser. Me lalaki, me babae. Ngunit hindi lahat ng nakilala kong guro ay estudyante ang turing saming mga mag-aaral. Mayron akong nakilalang guro nung elementarya pa lang ako. Kilala sya bilang terror sa school naming. Nung una hindi ako naniwala subalit ako na mismo ang magpapatunay na totoo yon. Madalas syang mamalo at mamingot ng estudyante nya. Lalo na pag wala sya sa mood. Hindi yun nangyari sakin pero nakita ko kung pano nya ginawa ang kalupitang yon.

 

Bigla tuloy may pumasok sa isipan ko nung oras na yon. Ganun ba lahat ng teacher? Masama ba silang gaya ni mam?

 

At nung nag high school ako, dun ko napatunayan na hindi lahat ng teacher ay malupit. Palibhasa’y graduate ako ng elementary sa pampublikong paaralan na oras oras ay may nagaganap na gulo sa pagitan ng guro at estudyante, estudyante sa estudyante o kaya’a guro sa guro kaya siguro lahat halos ng guro dun ay terror. Sa pinasukan kong akdemyang mga madre ang nagpapatakbo, lahat ng guro ay mababait. Kokonti lang ang corrupt. Ako’y medyo naninibago noun at bigla kong natanong sa sarili ko n nakakaapekto ba ang ugali ng guro sa school kung san sila nagtatrabaho?

 

Base sa aking karanasan, mas madaming malupit na mga guro sa pampublikong paaralan kaysa sa pribadong paaralan. Dahil kaya ito sa sweldo? Sa kapaligiran ba? O di kaya’y sa hindi gaanong pag-asikaso ng gobyerno natin sa mga pampublikong paaralan? Sa palagay ko e lahat ng mga nabanggit ko ay tama. Sa sweldo dahil mababa ang pinapasweldo ng pamahalaan sa ating mga guro sa pampublikong paaralan. Dahil ditto, nag-iinit ang ulo nila kung bakit konti lang ang sweldong natanggap at ibabaling ang init ng ulo sa mga estudyante. Sa kapaligiran dahil sa pampublikong paaralan, marami akong nakikitang mga maling gawain na pati ang guro ay kasali o kaya minsan, ang guro ang promotor sa illegal na gawain. Pero mas naniniwala ako na dahil sa kapabayaan ng gobyerno natin ang dahilan kung bakit ganun ang ibang mga guro. Dahil hindi nila naasikaso ang mga pook pampaaralan, madaming mga guro ang lumilipat sa pribadong paaralan. Hindi siguro nila matagalan ang hindi pagresponde ng pamahalaan sa mga request ng mga guro na ipagawa ang mga nabubulok na room sa paaralan. Ako, bilang isang ST nung HS, nahihirapan akong magturo sa mabaho at maduming mga silid-aralan.

 

Sana ay wala akong natamaan sa mga ipinahayag ko sa article na ito.ito ay pawang katotohanan lahat. Maraming salamat.

 

 

********************************************************************

 

GABAY SA LANDAS

 

Guro. Sino ba siya? Para sa iba, ang mga guro ay para na nating ikalawang mga magulang, dahil sila ang nagtuturo sa atin ng mga dapat nating malaman. Sila ang madalas nating kasama sa araw-araw. Tulad ng ating mga magulang, tinutulungan nila tayo at ginagabayan. Para sa isang mag-aaral, dapat silang igalang. Pagtuntong sa elementarya,lahat ng dapat malaman ng isang musmos ay kanilang itinuturo. Lahat ng mabubuting bagay/asal na dapat taglayin sa habang panahon ng kanilang mga mag-aaral.

 

Gayon din naman sa sekondarya at sa kolehiyo. Sa haba ng panahon na kasama ng mga nag-aaral ang mga guro nila,hindi na maiaalis na ituring silang ikalawang magulang ng mga estudyante.

 

Tulad ng isang anak sa kanilang mga magulang, may mga ugali o katangian silang hinahanap. Hangga’t maari, nais nilang matuwa sa kanila ang kanilang mga magulang. Ngunit tulad din ng mga magulang iba-iba rin ang ugali ng mga guro.

 

Mayroon sa kanilang matiyaga, maalahanin at mapagmahal. Ngunit hindi maiiwasang mayroon din maikli ang pasensya pagdating sa pagtuturo sa mga anak.

 

Sila’y mga gurong inaayawan ng kanilang mga estudyante dahil sa hindi nito patas na pagtingin; kumbaga, may ‘favoritism’. Meron din namang iniiwasan dahil sa tingin nitong nakakatakot, mga kilay na lagging magkasalubong at sa boses nitong nakakasindak. Para kasi sa maraming estudyante mahirap na nga ang pag-aaral para sa kanila, lalo pang pabibigatin ng mga taong siyang nagtuturo sa kanila. 

 


**********************************************************

 

Ma’am Labyu!

 “Nakakadiri kayo. Alam nyo ba yung ginagawa ninyo?” Masakit sa damdamin  ang mga ganitong kataga diba? Lalo na kung sa iyo pinapatama. Ako? Sanay na ako sa ganyan. Bakit? Pakialam ba nila? Ang lakas ng loob nila, akala mong mga perpektong tao. Parepareho lang naman kaming kumakain, umuutot at dumudumi. At parepareho rin naman kaming nagkakasala. Malaking kasalanan ba’ng mahalin ang sarili mong guro? Ano masama dun, kung sa iyon ang nararamdaman ko.

Usap-usapan sa amin na nakakadiri daw kami, ganoon,ganire. Pero anong magagawa ko? Masama ba kung mahal ko si Ma’am? Siguro nga masagwang pakinggan. Ngunit ito ang totoo. Mahal din naman niya ako kaya’t anong masama doon? Pareho naman kaming nagmamahalan. Eh ano kung titser ko siya? Eh ano kung mas matanda siya? Basta ang mahalaga, mahal ko siya. Love is all that  matters nga ‘di ba? 

Minsan naisip ko nalang, pwede bang kami nalang ang tao sa mundo? Para wala nang taong nakikialam sa aming pagmamahalan. Naisip ko rin na pwede naman siguro na sa isang klase namin sasabihin ni Ma’am, “ok class turn your book on page 37. Oh labs pki basa nga yung unang saknong sa tula” (labs kasi tawagan namin). Hindi naman siguro yun big deal ‘di ba? Nagtuturo naman siya at ako naman ay nag-aaral. Ang mahalaga, ginagawa namin ang mga trabaho namin. Bakit ba kasi kumain pa sila Eba’t Adan na ipinagbabawal na prutas? Siguro sa ngayon ay hindi masama ang relasyong guro at estudyante, dahil noon nga kahit magtalik sa kalsada ay hindi masama. Kung magkagayun man, hindi rin masama kung sasabihin kong “Ma’am Labyu!” 

 

Mga Makapanlumong Pangyayari

 

  1. Pagdating ng titser sa room babatiin ng magandang umaga pero kapag nasa loob na ng room parang inambush ang mga istudyante.

 

  1. Sunod-sunod sa utos pero kapag nagkmali kahit isa anu na mang yayari kundi paparusahan.

 

  1. Ang mga titser daw ang ikalawang magulang kaya pala tinawag na magulang ay para torturing ang kanyang mga magaaeal

 

  1. Sa kanila tayo natututo ng mga magagandang asal daw kung baga ang nangyayari ay baliktad kundi natututo kung paano tayo masasaktan sa kanilang pamamaraan ng pagtutro.

 

  1. Sila ang mga taong kinakatakutan ng mga estudyante kaya naman inaabuso na nila ang kanilang kapangyarihan,kaya ang babaeng estudyante ay kanilang hinahalay.

 

 

Ayon sa aking mga ibinigay na mga impormasyon sinasaad dito na ang mga guro ang ikalawang nagiging dahilan ng pagiging masamang estudyante.paano na ang buhay ng mga walang malay na tao na nagsisimula pa lamang na matututo ng mga dapat na matutuhan.

 
   
 
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free